Connect with us

Aklan News

LALAKING NAGLALAKAD TINAGA, SUSPEK TUMAKAS

Published

on

Ibajay – Sugatan ang isang lalaki matapos tagain bandang alas 4:45 kahapon ng hapon sa Bugtongbato, Ibajay.

Nakilala ang biktimang si Mark Gil Perucho, 35 anyos ng Naisud, Ibajay habang nakilala rin ang nakatakas na suspek na si Jay Martesano, sa legal na edad at residente rin ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Ibajay PNP, naglalakad lamang sa kalsada ang biktima nang makita umano ito ng suspek.

Sinasabing kumuha ng itak ang suspek at tinaga sa kaliwang ulo ang biktima, na mapalad namang nakita ng isang construction worker rason na sinigawan nito ang suspek.

Dahil dito, kaagad tumakas ang suspek at patuloy pang pinaghahanapa pa ng mga pulis.

Lumalabas pa sa imbestigasyon ng Ibajay PNP na dati na umanong nagpangbuno ang dalawa sa plaza doon dahil lamang sa babae.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *