Connect with us

Aklan News

40 ANYOS NA BOATMAN, NATAGPUANG PATAY

Published

on

Boracay-Nakalutang sa dagat at wala ng buhay ng madatnan ng kanyang mga kasama ang isang boatman sa Caliruhan beach sa Sitio Caban, Manocmanoc, Boracay kaninang umaga.

Nakilala ang biktimang si Leobert Sim Bangalisan 40 anyos, residinte ng Brgy. Busay San Jose Romblon.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Malay PNP napag alaman na mga dakong alas 11:40 kagabi ay nakaramdam ng pananakit ng tyan ang biktima Kaya minabuti ng kanyang mga kasama na humingi ng tulong sa kanilang employer Sa Brgy. Manocmanoc, Boracay.

Sa pagbalik na ng kanyang mga kasama mga dakong 12:45 ng umaga ay nakita nalang umano ang biktima na nakalutang na sa dagat Kaya kaagad nila itong inahon at dinala Sa shoreline.

Dinala ang biktima Sa Ciriaco Tirol Hospital Pero idineklara itong dead on arrival mga dakong 2:11 kaninang madaling araw.

Bronchial Asthma in Acute Exacerbation,status asthmaticus ang ikinamatay ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *