Connect with us

Aklan News

AHENTE, NINAKAWAN NG HALOS 50K NA PERA

Published

on

Kalibo – Umaabot sa halos P50,000 na pera ang ninakaw umano sa isang sales agent o ahenta kagabi sa isang staff house sa F. Quimpo St., Pobacion, Kalibo.

Alas 8:29 ngayong umaga lamang personal na nagpa blotter ang biktima na si Glendyl Cabantugan, 27 anyos ng Lonoy, Roxas, City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP, nakita na lamang ng biktima sa labas ng staff house ang nawawala niyang sling bag na naglalaman ng isang araw umano nilang collection na nagkakahalaga ng P46, 575.00

Sa panayam naman ng Radyo Todo sa biktima, ikinuwento niya na bibili sana siya ng kape pagkagising niya bandang alas 7:00 kaninang umaga, subalit nagulat na lamang umano ito nang matuklasang nawawala ang kanyang sling bag.

Ayon pa sa biktima, katabi niya sa pagtulog ang nasabing sling bag na naglalaman ng pera pati na ang kanyang wallet na naglalaman naman ng mahigit P2,000.00.

Kaagad umano niya itong hinanap at doon na natagpuan sa likuran ng kanilang staff house subalit wala na umano doon ang pera maliban sa naiwang cheque na may amount o halagang P40,500.00.

Maliban dito, may nakita rin umano sila doon na mahabang panungkit na posible umanong ginamit sa pagkuha ng kanyang sling bag mula sa bintana na tinanggalan umano ng isang jalousie.

Nagbakasakali naman ang biktimang manawagan sa suspek na ibalik ang mga ninakaw na pera.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Kalibo PNP sa insidente.

Samantala, aminado naman ang biktima na nasa kanya pa ang pera ng kanilang kompanya dahil hindi umano ito nakahabol sa oras ng bangko kahapon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *