Connect with us

Aklan News

LALAKING MAY EPILEPSY, NALUNOD SA ILOG PATAY

Published

on

Libacao – Patay na nang matagpuan ang isang lalaking may epilepsy matapos malunod sa ilog kahapon sa Canawan, Libacao.

Nakilala ang biktimang si Federico Zapico, 40 anyos, ng nasabing lugar.

Base sa report ng Libacao PNP, nagpaalam umano ang biktima sa kanyang ina na mangangahoy ito bandang alas 2:00 kahapon ng hapon.

Ngunit hindi na umano nakita ng ina ang anak kung kaya’t mag-isa niya itong hinanap hanggang sa makita niya ito sa tabing ilog, tinatayang 5 kilometro ang layo sa kanilang bahay.

Kaagad naman umanong humingi ng saklolo ang ina ng biktima kay Canawan Barangay Captain Jess Salonzo upang makuha ang wala nang buhay na biktima.

Lumalabas pa sa imbestigasyon na posibleng inatake ng kanyang sakit na epilepsy ang biktima bago nahulog sa ilog at nalunod.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *