Connect with us

Aklan News

29 ANYOS NA LALAKI, ARESTADO SA ILEGAL NA SUGAL

Published

on

Ibajay – Sinampahan na ngayong araw ng kasong paglabag sa PD 1602 (as ammended by RA 9287) o Illegal Gambling Laws sa Prosecutor’s Office ang lalaking naaresto dahil sa illegal na sugal alas 11:45 kahapon ng tanghali sa Laguinbanwa, Ibajay.

Nakilala ang naarestong si Richard Rendon, 29 anyos ng Aslum, Ibajay.

Naaresto siya sa joint operation ng Aklan PPO Anti-Illegal Gambling Task Group at Ibajay PNP, kung saan narekober ang kabuuang P4,600.00 na bet money, 1 ballpen, 3 piraso ng papel na ginawa umano nitong coteho sa pagpapataya ng Ez 2, isang cellphone, at ang motor umano nitong ginagamit sa pagkolekta ng pera mula sa kanyang mananaya.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Ibajay PNP.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *