Connect with us

Aklan News

Mga taga-Metro Manila, nangunguna sa listahan ng mga bumibisita sa Boracay

Published

on

Patuloy pa rin ang pagsidatingan ng mga taga-Metro Manila sa sikat na Boracay Island.

Halos mahigit kalahating bilang ng mga tourist arrivals sa unang tatlong linggo ng Nobyembre ay mula sa National Capital Region (NCR) batay sa pinakabagong local government data.


Nakapagtala ang Malay Municipal Tourism Office ng kabuuang bilang na 2,511 tourist arrivals sa Boracay mula Nov. 1 to 22, kung saan 70.8 poesyento o 1,780 dito ay mula sa NCR.

Karamihan sa mga turista ay nasa edad 22-59 years old na dumaan sa Caticlan bilang port of entry.

Unang binuksan ang isla sa mga taga Western Visayas noong June 16 na kalaunan ay binuksan na rin pati sa mga domestic tourist mula sa mga taga general community quarantine areas gaya ng Metro Manila nitong October 1.

Maliban sa Boracay, tinanggal na rin ang age restrictions sa mga pangunahing tourism destinations sa bansa gaya ng Palawan, Baguio, Bohol, Ilocos Sur, at Ilocos Norte.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *