Connect with us

Aklan News

DAHIL SA HULUGANG MOTORSIKO, LALAKI NAGBIGTI-PATAY

Published

on

Balete – Nagbigti patay ang isang lalaki sa isang barangay sa Balete dahil lamang umano sa kanyang hulugang motosiklo.

Ayon sa Balete PNP, bandang alas 7:00 kaninang umaga nang matuklasan ng kanyang misis ang nakabigting biktima sa loob ng kanilang bahay gamit ang tali ng duyan.

Ayon naman sa tiyahin ng biktima, base sa ikinuwento ng kanyang misis, bandang alas 6:30 kagabi nang dumating ang mister na lasing sa kanilang bahay.

Nagkasagutan umano sila ng kanyang asawa tungkol sa hinuhulugang motorsiklo, hanggang sa pinauwi niya ang kanyang misis dala ang anak, at doon na pinatulog.

Subalit ikinagulat na lamang ng kanyang asawa nang datnan na nakabitay ang inuwiang asawa at wala nang buhay.

NOTE:
Kung may problema ka at gusto mo ng kausap, maaari kang tumawag sa:
National Center for Mental Health Crisis Hotline (NCMH-USAP) sa 0917-899-USAP (8727) o sa 7-989-USAP (8727).
Hopeline PH 24/7 hotlines:

0917-558-4673 (Globe)
0918-873-4673 (Smart)
2919 (toll-free for Globe and TM)

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *