Connect with us

Aklan News

LALAKI NABANGGA NG CONTAINER TRUCK, PATAY

Published

on

Balete – Sa ospital na binawian ng buhay ang isang lalaki matapos aksidenteng mabangga ng container truck pasado alas 9:00 kaninang umaga sa Sitio Campitan, Aranas, Balete.

Nakilala ang biktimang si Nido Rustro, 62 anyos ng Sitio Sumaeagi, Aranas, at ang driver naman ng container truck na si Jelson Falco, 47 anyos ng Tanza, Roxas, City.

Base sa imbestigasyon ng Balete PNP, nasa gilid ng kalsada ang biktima at pabalik na sa inaararo nilang palayan matapos bumili ng meryenda sa trabahador doon nang mabangga ng nasabing truck.

Base pa sa imbestigasyon, papuntang Roxas City ang truck galing Kalibo nang masapol nito ang isang cr o palikuran sa gilid ng kalsada at ang biktima matapos umanong mag-‘malfunction’ ang manibela ng truck.

Ayon sa driver, maluwag at hindi na umano nito makontrol ang manibela rason na nagdere-deretso ang kanyang takbo at nahulog sa palayan ang natanggal na ulo ng truck.

Samantala, kaagad rumesponde ang mga taga Balete PNP at dinala sa ospital ang sumubsob pa sa lupang biktima, na napag-alamang nagtamo ng malubhang pinsala sa katawan.

Inihahanda naman ngayon ng Balete PNP ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide na isasampa laban sa driver.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *