Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG FRUSTRATED MURDER, TIMBOG

Published

on

Makato – Arestado alas 7:30 kagabi sa Agbalogo, Makato ang isang lalaking wanted sa kasong Frustrated Murder.

Nakilala ang akusadong si Zaldy Barrientos, 34 anyos ng Poblacion, Makato.

Inihain ng Makato PNP kay Barrientos ang warrant of arrest na nilagdaan at ibinaba ni Hon. Jemena L. Abellar Arbis, Presiding Judge, Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Branch 6, Kalibo, Aklan nito lamang nakaraang Huwebes, November 12, 2020.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Makato PNP Station para sa karampatang disposisyon, subalit pansamantala siyang makakalaya kapag makapagpiyansa ng P72,000.00.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang akusado sa kanyang kaso.

Subalit napag-alaman ng Radyo TODO na kasabwat si Barrientos sa nangyaring pananaksak noong Feb. 17, 2020, pasado alas 10 ng gabi sa Poblacion, Makato.

Ayon sa Makato PNP kasama siya nang pasukin nila ng kanyang kapatid ang bahay ng kanilang sinaksak.

Napag-alaman din na kaagad sumuko ang kanyang kapatid sa Makato PNP at na-inquest habang nahulog naman sa regular filing ang kaso ng naarestong si Zaldy.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *