Connect with us

Aklan News

DALAGANG ESTUDYANTE NAGBIGTI, PATAY

Published

on

Malay, Aklan – Problema sa pamilya ang pinaniniwalaang dahilan ng pagpapakamatay ng isang 20 taong gulang na dalaga sa Brgy. Caticlan.

Ito ay kung pagbabasehan ang pinaniniwalaang suicide note na iniwan ng biktima kung saang binabanggit ang kanyang sama ng loob at pagod diumano sa kanyang pamilya kung saan gusto na nya ng katahimikan.

Natagpuan ang nakabitay na katawan nito sa loob ng banyo ng bahay ng kanyang tiyuhin pasado alas 6 ng gabi kanina.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, wala silang nakikitang foul play sa insidente.

Ayon sa tatay ng biktima, wala naman daw silang nakitang kakaiba sa biktima bago ito nagpakamatay at talagang hindi lang ito palakwento sa kanila.

Ngunit nakapagkwento ito ng kanyang mga problema sa kanyang mga kaibigan.

Isasailalim naman muna ng kapulisan sa masusing imbestigasyon kung sulat-kamay ba talaga ng biktima ang nakuhang suicide note sa lugar.

Napag-alaman na graduating student na sana sa college sa isang paaralan sa Kalibo ang dalaga.

(Minabuti naming itago ang buong address, pangalan at iba pang detalye sa pagkatao ng biktima para sa kapakanan ng kanyang pamilya).

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *