Connect with us

Aklan News

2 SUGATAN SA PANANAGA SA ISANG B-DAY PARTY

Published

on

Makato – Dalawa ang sugatan sa pananaga sa isang birthday party mag-aalas 5:00 kahapon ng hapon sa Tina, Makato.

Nakilala ang mga biktimang sina Erwin Pastrana, 39 anyos ng Tina, Makato, at Marlon Paderan, 32 anyos ng Dumga, Makato, at ang suspek na si Wayne-Jay Ibabao, 32 anyos ng naunang nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng Makato PNP, magkasamang nag-iinuman sa birthday ni Oldarico Francisco ang mga biktima at suspek nang magkaroon ng komosyon.

Ayon naman sa suspek, nakatayo siya noon at nagti-text nang lapitan siya at suntukin ni ‘Jeric’, na kasama ng bikimang si Marlon sa hindi nalamang dahilan.

Dagdag pa ng suspek, umuwi siya at bumalik kinalaunan na may dalang patalim, subalit hindi na niya nakita ang sumuntok sa kanya.

Sa halip, si Marlon ang kanyang kinumpronta at tinaga, lalo pa’t may dati rin umano silang alitan matapos saksakin siya ni Marlon.

Kaugnay nito, ikinuwento pa ng suspek na Disyembre ng nakaraang taon nang abangan siya ni Marlon sa daan at sinaksak, nguni’t mapalad na kanyang nailagan.

Nagkapirmahan narin umano sila noon sa barangay kaugnay ng insidente.

Samantala, hindi naman umano sinasadya ng suspek na tamaan niya ng patalim ang kanyang pinsang biktima na si Erwin sa kaliwang tuhod.

Sa nangyaring pananaga, nagtamo ng sugat sa kaliwang balikat at kaliwang tuhod si Marlon na kaagad ding dinala sa ospital.

Pansamantala namang nasa kostodiya ng Makato PNP ang suspek na naaresto sa kanilang bahay sa hot pursuit operation ng Makato PNP.

Nakahanda na rin ang kasong Frustrated Homicide na isasampa sa suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *