Connect with us

Aklan News

PDEU: Bentahan ng Ilegal na Droga sa Boracay, humina ngayong pandemya

Published

on

Bumaba ang bentahan ng illegal na droga sa isla ng Boracay ngayong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) Chief PMaj. Frensy Andrade, sinabi nito na malaki ang naging epekto ng pandemya sa talamak na bentahan ng droga sa Boracay.


Aniya, humina ang illegal na droga sa isla lalo na ngayon na kumonti ang tao at nawalan na ng mapagkakakitaan ang mga dating users na kayang bumili ng droga dahil sa mataas na kita.

Nabawasan na rin ang mga pushers na dumadayo dito para makapagbenta.

Samantala, nang tanungin ukol sa success rate ng drug clearing operations sa Aklan, sinabi ni Andrade na nasa 8 na ang lalawigan kung 1 ang pinakamababa at 10 ang pinakamataas.

Kamakailan lang nahuling nagbebenta ng droga ang isang negosyante ng sa isinagawang buy-bust operation sa Numancia.

Nabatid na dati na itong drug surrenderee na mahigit tatlong linggo na nilang minamanmanan dahil bumalik sa illegal na gawain.

Sa kabila nito, tiniyak ng PDEU na matindi ang ginagawa nilang pagtutok sa kampanya laban sa illegal na droga kahit pa nasa gitna pa ang bansa ng pandemya.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *