Connect with us

Aklan News

COVID-19 deaths sa Aklan nadagdagan pa ng isa

Published

on

Sumampa na sa 9 ang bilang ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 na nasawi sa Aklan.

Ayon sa datos ng Aklan Provincial Health Office, siya si Case no. 191, isang 43 anyos na babaeng taga Kalibo na may unknown exposure sa sakit.

Nabatid na namatay ang pasyente habang dinadala sa ospital matapos na lumabas ang resulta na nagpositibo ito sa RT-PCR test.

Maliban sa COVID ay mayroon na umano itong iniindang karamdaman at isinailalim na rin ito sa dialysis.

Patuloy na ang isinasagawang monitoring ng Municipal Health Office para matukoy ang mga taong nakasalamuha ng pasyente.

Sa ngayon, may 192 total cases, 161 total recoveries, 22 active cases at 9 deaths na ang lalawigan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *