Connect with us

Aklan News

2 MOTOR NAGKA-SAGIAN, 3 SUGATAN

Published

on

Numancia – Tatlo ang sugatan sa dalawang naaksidenteng motorsiklo alas 6:45 kagabi sa highway ng Laguinbanwa East, Numancia.

Nakilala ang mga biktimang mag-ama na sina Ernie Mamburam, 50 anyos, at Jenelyn, 15 anyos ng Aliputos, Numancia, at Giovani Torda, 27 anyos ng Panayakan, Tangalan.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, nagmo-motorsiklo ang mag-ama galing sa direksyon ng Kalibo papuntang Numancia nang masagi umano ng sumusunod na nagmomotorsiklo ring si Torda ang likurang bahagi ng kanilang motor.

Resulta, nagtamo ng sugat sa kani-kanilang katawan ang mga biktima na kaagad ding isinugod sa ospital.

Napag-alamang lasing si Torda nang magmaneho ng motorsiklo rason ng nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *