Connect with us

Aklan News

24-ANYOS, TINAGA NG TIYUHIN

Published

on

Libacao – Sugatan ang isang lalaki matapos umanong tagain ng mismong tiyuhin bandang alas 6:00 kagabi sa Sitio Balisong, Pampango, Libacao.

Nakilala ang biktimang si Jory Natabio Gervacio, 24 anyos, at ang tiyuhin nitong si Excel Esto Natabio, 50 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa report ng Libacao PNP, nag-iinuman umano ang mag-amang Excel at anak nitong si Sariel nang dumating ang biktima at sinumbatan si Sariel kaugnay sa susi ng kanyang motor.

Nagdiskusyon umano ang dalawa, subalit bigla na lamang umanong tinaga ng kanyang tiyuhin ang biktima sa likod.

Kaagad dinala sa ospital ang biktima habang nasa kustodiya naman ngayon ng Libacao PNP Station ang suspek na kaagad din umanong lumapit sa mga rumespondeng pulis.

Kasalukuyan pang hinihintay ng Libacao PNP ang disposisyon ng biktima sa kanyang tiyuhin.

Samantala, sinasabing sinira umano ng biktima ang bintana ng bahay ng kanyang pinsang si Sariel nang mangyari ang komprontasyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *