Connect with us

Aklan News

‘AETA’ NA NAMBUDOL SA ISANG MISIS NOONG NAKARAANG TAON, NAISPATAN

Published

on

Magkahalong galit at pasasalamat ang naramdaman ng isang misis matapos magkita sila ng ‘ita’ na nambudol umano sa kanya ng mahigit P400,000.00 noong nakaraang taon sa Ibajay.

Kasama ang kanyang mister, halos maiyak sa magkahalong emosyon ang misis nang magtagpo sila ng babaeng ‘ita’ sa Numancia PNP Station mag-aalas 12:30 kahapon.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo TODO sa misis, ikinuwento nito ang nangyari kung paano siya nabiktima ng babaeng ‘aeta’.

Ayon sa misis, nasa 4 na araw umano bago niya nakapalagayang loob ang nasa limang ‘ita’ na nakipagkaibigan umano hanggang sa nahimok siya ng mg ito na magpagamot.

Naisip umano ng misis na hindi naman masama kung susubukin niyang magpagamot sa kanila kung kaya’t pumayag ito kinalaunan.

Ayon pa sa misis, ilang araw umanong pabalik-balik sa kanilang bahay ang ita at kasama nito hanggang sa dumating ang araw na inutusan na siya nitong maglikom ng P337,000.00 na gagamitin sa paggamot sa kanya.

Nagtiwala naman umano ang misis sa babaeng ‘ita’ dahil dadasalan lamang umano ang kanyang pera at sila din ang magtatago nito.

Oktubre 25, 2019 naman nang matuklasan nilang mag-asawa na nabudol-budol sila ng ‘ita’ dahil nagduda ang kanyang mister at tiningnan ang pera.

Doon na rin umano nila natuklasang mga papel at hindi pera ang kanilang itinabi, dahilan upang hinabol nila ang ‘ita’ at kasama nito, subalit hindi na nila nakita hanggang sa lumipas ang isang taon.

Samantala, nabatid na nagkita sila kahapon sa Numancia PNP matapos imbitahan ang suspek na ‘ita’ at dalawang kasama nito sa presinto nang makita sila ng anak ng biktima sa Numancia kahapon ng umaga.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *