Connect with us

Aklan News

LALAKING MAY PROBLEMA SA PAG-IISIP NALUNOD, PATAY

Published

on

Numancia – Patay matapos malunod ang isang lalaking may problema umano sa pag-iisip habang naliligo bandang alas 7:00 kaninang umaga sa dagat na sakop ng Purok 1, Navitas, Numancia.

Nakilala ang biktimang si Richard Rivera, 55 anyos at residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, nakita pa umano ng kanyang hipag ang biktima na naliligo doon bandang alas 7:00 kaninang umaga, subalit lumulutang na umano ito doon nang makita naman ng kanyang pamangkin pagkalipas ng kalahating oras.

Kaagad siyang sinaklolohan ng kanyang pamilya at MDRRMO, subalit wala na umano itong buhay.

Samantala, nabatid na isa rin palang diabetic patient ang nasabing biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *