Connect with us

Aklan News

DUMP TRUCK AT FREEZER VAN, NAGSALPUKAN

Published

on

Balete – Aksidenteng nagsalpukan ang isang dumptruck at freezer van mag-aalas 11:30 kahapon ng tanghali sa Sitio Bangbang, Calizo, Balete.

Nakilala ang driver ng dumptruck na si Rey Tolentino, 52 anyos ng Sitio Tagaytay, Feliciano, Balete, at ang driver naman ng freezer van na si Joevic Arnaez, 41 anyos ng Canoan, Estancia, Iloilo.

Base sa imbestigasyon ng Balete PNP, galing sa Poblacion, Balete ang dumptruck papuntang Kalibo, habang papuntang Iloilo naman ang freezer van nang mangyari ang insidente.

Nawalan umano kasi ng kontrol sa pagmamaneho ang driver ng van at napunta sa kabilang linya pagsalubong nila ng dumptruck sa kurbadang kalsada.

Resulta, aksidenteng nagbanggaan ang dalawang sasakyan na kapwa nagtamo ng mga pinsala.

Mapalad namang walang nasugatan sa mga driver o nadamay sa nasabing insidente, na nauwi naman sa areglo ng magkabilang panig.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *