Connect with us

Aklan News

KILALANIN: Bagong talagang district engineer ng DPWH Aklan

Published

on

Itinalaga bilang bagong District Engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Aklan si Engr. Alejandro Ventilacion.

Si Ventilacion ang pumalit kay dating Engr. Noel Fuentebella na nagsilbi ring District Engineer ng DPWH-Aklan sa loob ng anim na mahabang taon.


Sa panayam ng Radyo Todo kay Ventilacion, kinumpirma nito ang pagswap nila ni Fuentebella, aniya naroon ito ngayon sa Palawan, sa lugar na pinagsilbihan din niya ng mahigit anim na taon.

Nakapag-rebyu na umano siya ng ilang mga nakabinbing proyekto sa lalawigan at lahat ng ito ay gagawin niyang prayoridad sa ilalim ng kanyang opisina.

Lahat ng proyekto na iniimplement ng Aklan District Engineering Office ay naiturn-over na umano sa kanya at lahat ng ito ay gagawin niya umanong prayoridad.

Naka-schedule na rin siyang umikot sa mga susunod na araw para malaman ang set up ng opisina at mga pangangailangan ng empleyado upang mas maging epektibo ang kanilang operasyon.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *