Connect with us

Aklan News

DALAWA, KALABOSO DAHIL SA ILEGAL NA SUGAL SA LAMAY

Published

on

Lezo – Dalawa ang kalaboso dahil sa ilegal na sugal sa lamay pasado alas 10:00 kagabi sa Ibao, Lezo.

Nakilala ang mga naarestong sina BJ Fulgencio, 37 anyos at Mehsail Estrella, 21 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa report ng Lezo PNP, kaagad ikinasa ng Lezo PNP ang anti-illegal gambling operation matapos makatanggap ng impormasyon na may nagsusugal doon sa isang lamay.

Kasunod nito, naaresto ang mga suspek at narekober ang 13 pirasong baraha, at kabuuang P646.00 na perang naiwan ng ibang nagsusugal nang magpulasan ang mga ito pagdating ng mga pulis.

Pansamantalang ikinostodiya sa Lezo PNP ang dalawa habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Laws.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *