Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG PANGGAHASA, ARESTADO

Published

on

Banga – Matapos maibaba ang kanyang warrant of arrest 25 taon na ang nakalilipas, arestado bandang alas 7:30 kaninang umaga sa Cupang, Banga ang isang lalaking wanted sa kasong panggagahasa.

Sa Oplan Pagtugis na pinangunahan ng Regional Intelligence 6 kasama ang Banga PNP, Balete PNP, at Numancia PNP, naaresto ang akusadong si Jose Revicente ‘alyas Mario’, 57 anyos ng nabanggit na lugar.

Nilagdaan at ibinaba ni Hon. Jiovan N. Marin, Presiding Judge, RTC 6th Judicial Region, Branch 6, Kalibo, Aklan ang kanyang Warrant of Arrest noon pang May 23, 1995 na may criminal case number 4453.

Pansamantala siyang ikinostodiya sa Banga PNP Station bago iharap sa nasabing korte, habang walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *