Connect with us

Aklan News

Tatlo, arestado sa paglalaro ng tong-its

Published

on

Tatlo ang arestado dahil sa illegal na sugal bandang alas 3:35 kaninang hapon sa Aliputos, Numancia.

Sa ikinasang Anti-Illegal Gambling Operation ng Numancia PNP, naaresto ang mga suspek na sina Maribel Flores, 41 anyos, at Joely Respecia, 40 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar, at Rudsam Cuales, 59 anyos ng Pusiw, Numancia.

Narekober din sa nasabing operasyon ang 1 set ng barahang ginamit umano ng mga suspek sa paglalaro nila ng Tong-its, at perang P390.00.

Pansamantala silang ikinostodiya sa Numancia PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Laws.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *