Connect with us

Aklan News

73 ANYOS NA LOLO, NALUNOD SA ILOG, PATAY

Published

on

LALAKING TUMAWID SA IRIGASYON, NALUNOD PATAY

Patay matapos malunod sa ilog pasado alas 8:00 kaninang umaga ang isang 73 anyos na lolo sa Vivo, Tangalan.

Nakilala ang biktimang si Pablito Perez, residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Tangalan PNP, bandang alas 8:00 kaninang umaga nang magkayayaan ang mag-asawang maligo sa ilog malapit sa kanilang bahay, bago sana pumunta ng health center para magpatingin ng kanyang bp o blood presure.

Habang pababa na umano sila papuntang ilog nang may taong dumating at tumawag kay misis kung kaya’t bumalik muna sa kanilang bahay.

Kinalaunan, bumalik umano ang misis ng biktima, at nakitang lumulutang na ito sa tubig at wala nang malay.

Sinubukan pa umano itong i-revive ng sumaklolong miyembro ng TIPO o Tangalan Indigenous People, subali’t hindi na ito nailigtas.

Ayon pa sa Tangalan PNP, kumbisido naman ang asawa ng biktima na walang foul play sa pagkamatay ng kanyang mister, lalo pa’t wala naman umanong ibang tao doon sa ilog.

Pansamantalang nasa isang punerarya ang labi ng biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *