Connect with us

Aklan News

MOTORISTA NAHULOG SA DIKE, SUGATAN

Published

on

Sugatan ang isang lalaki matapos mahulog ang minamaneho nitong motorsiklo sa dike alas 6:30 kagabi sa Poblacion, Libacao.

Nakilala ang biktimang si Reynold Katimpo, 27 anyos ng Manika, Libacao.
Base sa imbistigasyon ng Libacao PNP, nagmomotorsiklo doon ang biktima, subali’t posible umanong hindi ito pamilyar sa lugar kung kaya’t hindi rin umano nito alam na putol pala ang binabaybay nitong dike sa unahan.

Dahilan upang mahulog ito sa dike na tinatayang 7-8 metro ang taas rason naman ng tinamo nitong sugat at pinsala sa katawan.

Kaagad siyang isinugod sa ospital ng mga taga MDRRMO kung saan siya ginagamot ngayon.

Samantala, ipinaalala naman ng Libacao PNP sa publiko na hindi naman talaga dinadaanan ng motorsiklo ang nasabing lugar na bahagi ng revetment wall, at ilang beses narin umanong pinagsabihan ang mga motorsita doon tungkol dito.

Kinumpirma naman ng Libacao PNP na ilang beses nang may motoristang nahulog at binawian ng buhay doon, kung kaya’t muling nagpaalala ang Libacao PNP na huwag dumaan o mamasyal nang nakamotor sa nasabing lugar.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *