Connect with us

Aklan News

24-ANYOS BINARIL NG KAINUMAN, PATAY

Published

on

Banga – Sasampahan ngayong araw ng Kasong Homicide ang suspek sa pagbaril-patay sa isang lalaki nitong nakaraang Sabado ng gabi sa Sigcay, Banga.

Nakilala ang suspek na si James Keylord Isturis, 30 anyos, at ang biktimang si Joshua Teodosio, 24 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Nabatid na magkainuman din mismo ang biktima at suspek sa birthday celebration ng kanilang kapit-bahay mula alas 6:00 hanggang 11:00 ng Sabado ng gabi.

Subalit nagkagulo umano doon sa pagitan nina Joshua Teodosio at Bryan Isturis na isa rin sa kanilang kainuman.

Dahil dito, kaagad umanong umuwi ang suspek sa pamamaril na si James Keylord upang makaiwas sa gulo.

Samantala, bandang alas 11:30 din ng gabing iyon nang marinig umano ng suspek at kanyang asawa ang nagsisisigaw ang biktima sa labas ng kanilang bahay kasama ang kanyang kapatid na si Keneth Teodosio.

Base pa sa imbestigasyon ng Banga PNP, pumasok sa gate ang magkapatid upang tawagin at kausapin ang suspek tungkol sa nangyaring gulo, subalit bigla na lamang umanong sinuntok ng biktima ang suspek sa bunganga pagbukas nito ng pintuan.

Dahil dito, binunot umano ng suspek ang kangyang kalibre .45 baril at binaril ang biktima na tinamaan sa kanang dibdib malapit sa balikat.

Dinala sa ospital ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay, habang alas 12:45 naman ng madaling araw kahapon nang kusang sumuko sa Banga PNP ang suspek.

Tumanggi naman itong magbigay ng pahayag sa insidente.

Samantala, iginiit naman umano ng suspek sa mga pulis na itinapon nito ang baril, kung kaya’t hindi na ito narekober pa, maliban sa 1 basyo at 1 pang balang hindi pumutok mula sa nabanggit na kalibre ng baril.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *