Connect with us

Aklan News

8 ARESTADO SA ILEGAL NA SUGAL SA LAMAY

Published

on

Numancia – Walo ang arestado kasama ang isang minor de edad sa ilegal na sugal bandang alas 12:30 kaninang madaling araw sa Purok3, Navitas, Numancia.

Kinilala ng Numancia PNP ang mga naarestong sina Mark Anthony Cadiz, 33 anyos; Ricardo Bamba, 49 anyos; Dexter Alcazaren, 29 anyos, lahat residente ng nasabing lugar; Jenny Teodosio, 50 anyos ng Baybay, Makato, Jezebel Khan, 33 anyos ng Camanci Sur, Numancia, Perfecto Cordova, 57 anyos ng Navitas, Numancia, Analina Rebanbesa, 45 anyos ng Navitas, Numancia at isang 16 anyos na taga Albasan, Numancia.

Nabatid na kaagad nagsagawa ng anti-illegal gambling operation ang Numancia PNP matapos makatanggap ng impormasyon na may naglalaro ng ‘cara y cruz’ sa isang lamay doon.

Kasunod nito, naaktuhan umano ng mga pulis ang mga suspek sa kanilang aktibidad rason ng kanilang pagkakaaresto.

Narekober din ang kabuuang P3,761.00 na pera at concrete table na ginagamit umano sa paglalaro ng cara y cruz.

Inihahanda naman ng Numancia PNP ang kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Laws na isasampa laban sa mga suspek, habang ipinagkatiwala naman sa kanyang mga magulang ang 16 anyos na minor de edad.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *