Connect with us

Aklan News

LALAKING NAKURSUNADAHAN, SINAKSAK

Published

on

Banga – Sugatan ang isang lalaki matapos umanong nakursunadahan at saksakin alas 9:45 kagabi sa Ugsod, Banga.

Kinilala ng Banga PNP ang biktimang si Ruben Fuentes, sa legal na edad, at ang suspek na si Lemuel Gumban, 54 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, nag-iinuman ang suspek at kanyang mga kasama nang dumating ang biktima sa tindahan malapit sa bahay ng suspek para bumili sana ng sigarilyo.

Subalit sinita at minura umano ito ng suspek, rason na umalis ang biktima.

Pasakay na sana ang biktima sa kanyang motorsiklo nang lapitan ng suspek at sinaksak sa dibdib.

Kaagad siyang dinala sa ospital, habang naaresto rin ang suspek sa kanilang bahay at kasalukuyang nasa kustodiya ng Banga PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *