Connect with us

Aklan News

MOTOR NABANGGA NG TRAK, 3 SUGATAN

Published

on

Banga – Tatlo ang sugatan matapos aksidenteng mabangga ng dumptruck ang isang motorsiklo alas 3:30 kahapon ng hapon sa highway ng Linabuan Sur, Banga.

Nakilala ang mga biktimang sina John Lloyd Reyes, 19 anyos, driver ng motorsiklo, kanyang mga angkas na sina Jonathan Cajilo, at Adrian Carlo Remis, kapwa sa legal na edad at lahat residente ng Mataphao, New Washington.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, pauwi na sa Altavas galing Kalibo ang dumptruck na minamaneho ni Joven Celestino, 45 anyos ng Ginictan, Altavas, nang aksidente umano nitong mabangga ang motorsiklo ng mga biktima.

Namatay umano kasi ang makina ng motorsiklo habang nasa gitna ng kalsada, at nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver nang muli itong umandar, rason na nasapol ng sumusunod na dumptruck.

Resulta, sumemplang ang motorsiklo na siyang ikinasugat ng mga biktima.

Ayon naman sa Banga PNP, kaagad dinala sa ospital ang mga biktima, subalit nagawa pa umano nilang makipagkasundo sa driver ng dumptruck na kinabukasan nalang sila umano maghaharap sa presinto ng Banga PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Nabatid na nasa impluwensiya ng alak ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *