Connect with us

Aklan News

LALAKI MISSING MATAPOS MAHULOG SA TULAY KAGABI SA NABAS

Published

on

Nabas – Patuloy pang pinaghahanap ang isang lalaki matapos na aksidenteng mahulog sa ilog nang mawalan ng balanse ang biktima sa dinaanan nitong improvised na tulay sa Brgy. Laserna, Nabas.

Nakilala ang biktimang si Romy Suan, 40 anyos at residente ng nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng  Nabas PNP,  nakatanggap sila ng impormasyon mula kay Punong Barangay Junifer Flores hinggil sa nasabing insidente .

Kaagad rumesponde ang Nabas PNP kasama ang MDRRMO Nabas at nagsagawa ng search and rescue operation kasama ang mga opisyal ng barangay sa nasabing lugar pero hindi nakita ang biktima dahil madilim at malakas ang agos ng tubig

Ayon Kay PCPL Andrew Andrade ng Nabas PNP, bago mangyari ang insidente ay galing sa inuman ang biktima at dalawa pang kasama mga dakong alas 10:00 kagabi at nagkasasundo ang mga ito na ipagpapatuloy pa ang kanilang inuman sa bahay ng isa sa kanyang kasama.

Sa ngayon ay patuloy pang pinaghahanap ang nasabing biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *