Connect with us

Aklan News

LALAKI, AKSIDENTENG NABARIL NG KAINUMAN, PATAY

Published

on

Photo File| Via Malbert Dalida

Banga – Dead on arrival sa ospital ang isang lalaki matapos umanong aksidenteng mabaril ng kainuman bandang alas 11:00 kagabi sa Lapnag, Banga.

Nakilala ang biktimang si Leonido Tordisillas, 32 anyos ng Sigcay, Banga, at ang mismong kainuman niyang suspek na si R-Aie Gomez, 28 anyos ng naunang nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, nag-iinuman umano sina Tordisillas at Gomez sa bahay mismo ng suspek nang kinuha umano nito ang kanyang baril na kalibre .45 upang ipakita sana sa kanyang mga kainuman.

Tinanggal naman umano nito ang magazine ng baril at kinasa para matanggal ang chamber load, subalit napitik umano nito ang gatilyo, rason na pumutok ang baril.

Nagulat na lamang umano sila nang makitang tinamaan sa kaliwang mata ang biktima, na kaagad namang dinala sa ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Makikita sa larawan ang lugar na mismong pinangyarihan ng insidente.

Samantala, sinasabing kusang sumuko dala ang baril sa estasyon ng Banga PNP ang suspek na sumama din umano sa pagdala sa biktima sa ospital.

Nasa larawan ang suspek na si R-Aie Gomez habang sumusuko sa Banga PNP dala ang kanyang baril na kalibre 45.

Pansamantala siyang nasa kustodiya ng Banga PNP para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *