Connect with us

Aklan News

2 insidente ng Vehicular Accident sa Aklan naitala

Published

on

KAPWA nagpapagaling ngayon sa Aklan Provincial Hospital ang dalawang rider na nasangkot sa hiwalay na aksidente kahapon.

Sugat sa ulo at gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktimang si Mark Janil Masinda, 28 anyos ng Tambak, New Washington matapos mawalan ng balanse sa motor na minamaneho habang papauwi mula sa inuman dakong alas-11 kagabi.

Sugatan din ang 16-anyos na si King Chan Briones ng Brgy. Aslum, Ibajay makaraang mahulog sa gutter ang motor na sinasakyan at maipit ng motor sa Brgy. Agbago habang papauwi.

Nagtamo ang biktima ng sugat at gasgas sa iba’t-ibang parte ng katawan pati na ang kanyang pinsan na kasama nito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *