Connect with us

Aklan News

4 RIDER NAOSPITAL SA MAGKAHIWALAY NA VEHICULAR ACCIDENTS

Published

on

Bumagsak sa ospital ang apat na rider ng motorsiklo sa apat na magkahiwalay na aksidente sa kalsada.

Dinala sa pagamutan ang security guard na si Greg Algora, 37 anyos ng Toledo, Nabas matapos bumangga sa malaking bato na nahulog sa kalsada mula sa mabukid na gilid ng daan.

Nasilawan di umano ang biktima sa ilaw ng kasalubong na sasakya kaya’t hindi nito napansin ang malaking bato.

Kasalukuyang nasa ICU din ng Aklan Provincial Hospital ang isang 16-anyos na si Mateo Dalida ng Mandong, Batan dulot ng pagkakabangga nito sa isang aso alas-9:0 kagabi.

Nagpapagaling din sa pagamutan ang 44 anyos na si Charlie Haresco ng Balabag, Boracay matapos bumangga sa isang motor na biglang nag U-turn sa Brgy. Rizal, Nabas kahapon.

Samantala, ospital din ang bagsak ng 20-anyos na biktimang si Jade Megad ng Camanci Norte makaraang mawalan ng preno at bumangga sa isang tindahan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *