Connect with us

Aklan News

SUSPEK SA PAMAMARIL SA KAINUMAN, TUKOY NA

Published

on

Nakilala na at posibleng mahaharap sa kasong Frustrated Murder ang suspek na bumaril sa kanyang kainuman nitong nakaraang Huwebes ng hapon sa Cabugao, Altavas.

Nakilala sa follow up investigation ng Altavas PNP ang suspek na si Benjie Masula ng Makato, na patuloy paring pinaghahanap ng mga pulis.

Kaugnay pa nito, nabatid pa sa imbestigasyon na magkasama rin sa inuman ang biktima at suspek bandang ala 1:00 ng hapong iyon bago nangyari ang insidente.

Subali’t bandang alas 4:00 naman ng hapon nang niyaya umano silang umuwi ng ilan nilang kasama, subali’t tumangging sumama ang suspek.

Kinalaunan, mismong ang biktima na umano ang nagyaya sa suspek, subali’t tumanggi pa rin itong sumama.

Nagpatuloy umano sa paglalakad ang biktima, subali’t sinundan pala siya ng suspek at ilang beses na binaril gamit ang kalibre .45 kung saan tinamaan ang biktima sa likod.

Kaagad siyang dinala sa Altavas hospital at inilipat kinalaunan sa provincial hospital.

Samantala, nakipag-ugnayan narin ang Altavas PNP sa Makato PNP para mahanap ang suspek at mapanagot sa krimen.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *