Connect with us

Aklan News

31 ANYOS, ARESTADO SA ILLEGAL LOGGING

Published

on

Dahil sa illegal logging, nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9175 o Chainsaw Act of 2002 sa Lunes ang isang lalaki sa Tugas, Makato.

Nakilala ang suspek kay Randy Tagudtod, 31 anyos ng Tibiawan, Makato.

Base sa report ng Makato PNP, kaagad pinuntahan ng mga pulis ang lugar kung saan naaktuhan umano nila ang suspek habang hinahati ang isang puno ng niyog doon gamit ang chainsaw.

Hinanapan umano ito ng permiso, subali’t nabatid na wala palang rehistro ang chainsaw, maliban sa ipinakita nitong barangay certificate.

Dahil dito, inaresto ang suspek at pansamantalang ikinustodiya sa Makato PNP, pati na ang kinumpiskang chainsaw para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *