Connect with us

Aklan News

SUSPEK SA PANANAKSAK SA HABAL-HABAL DRIVER, ARESTADO NA

Published

on

Arestado

Arestado at nasa kustodiya na ng Balete PNP ang suspek sa pananaksak sa habal-habal driver Huwebes ng hapon sa Sitio Pueos, Cortes, Balete.

Nabatid na dinala bandang alas 6:00 kagabi ni Cortes Barangay Captain Bonfer Bontogon sa presinto ng Balete PNP ang suspek na si Rodel Castro, 33 anyos ng nasabing lugar, matapos umano itong sumuko sa kanya.

Kaugnay nito, doon na rin inaresto ang suspek na nakatakda namang sampahan ng kasong Frustrated Homicide.

Samantala, nabatid sa follow up investigation ng pulis na hinintuan  umano ng nagmomotorsiklong suspek ang  naglalakad na biktima at kinumpronta kaugnay ng dati nilang alitan.

Isang komosyon umano ang sumunod na nauwi naman sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Nabatid na hinabol din umano dati ng biktima ang suspek sa hindi nalamang dahilan, na siya namang nakita ng mga pulis na motibo sa krimen.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *