Connect with us

Aklan News

Lalaki, binaril ng kainuman

Published

on

Sugatan ang isang lalaki matapos umanong barilin bandang alas 5:20 kahapon ng hapon sa Cabugao, Altavas.

Naireport ang insidente bandang alas 7:00 kagabi, kung saan nakilala sa inisyal na imbistigasyon ng Altavas PNP ang biktimang si Shian Tumulog, sa legal na edad ng Castillo, Makato.

Nabatid na nasa isang linggo na umano sa kanyang kamag-anak sa Cabugao, Altavas ang biktima dahil sa anihan ng palay.

Subali’t binaril umano ito ng hindi nakilalang suspek na isa rin umano sa kanyang mga kainuman.

Kaagad siyang dinala sa Altavas Hospital, at inilipat sa isang ospital sa Kalibo matapos tamaan sa likurang bahagi ng katawan.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *