Connect with us

Aklan News

Rizal St. Poblacion, Kalibo, isinailalim sa SECQ mula ngayong araw hanggang November 4

Published

on

Mula kaninang tanghali hanggang November 4, isinailalim sa Surgical Enhanced Community Quarantine (SECQ) ang ilang bahagi ng Rizal St. Poblacion, Kalibo.

Ito ang nakasaad sa Executive Order No. 76 ni Mayor Emerson Lachica kasunod ng panibagong kaso ng COVID-19 na naitala sa lugar.

Tatlong panibagong kaso ng nakamamatay na sakit ang naitala ngayong araw sa Kalibo, lahat ng mga ito ay nagkaroon ng exposure sa isang confirmed case.

• Case No. 143 – Female, 46 years old
• Case No. 144 – Female, 45 years old
• Case No. 146 – Male, 51 years old

Samantala, nakapagtala rin ang Numancia ng ikalabing-apat na kaso ng COVID sa lugar, si Case no. 142, lalaking 48-anyos at nagkaroon din ng direct contact sa isang COVID positive.

May isang COVID positive rin na naitala sa Nabas, isang babaeng LSI na 28 anyos.

Sa kabuuan, may 146 na positibong kaso na sa Aklan, 119 ang recoveries, 20 ang active cases at 7 ang patay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *