Connect with us

Aklan News

PAMPASAHERONG VAN SINALPOK NG MOTORSIKLO, 2 SUGATAN

Published

on

Sugatan ang dalawang katao matapos sumalpok ang isang motor sa pampasaherong van pasado alas 2:00 kaninang hapon sa national highway ng Libertad, Nabas, partikular sa harap ng barangay plaza doon.

Nakilala ang mga biktimang sina Carlo Panado, at Christian Mark Obrero, parehong 19 anyos at kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulis, galing Kalibo papuntang Caticlan ang van nang huminto ito sa tabi ng kalsada dahil may pababang pasahero.

Subali’t aksidente namang sumalpok sa likod nito ang motorsiklong minamaneho ni Panado, rason na sumemplang ang mga ito sa kalsada at nagtamo ng minor injuries.

Nagtamo naman ng pinsala sa likurang bahagi ang van, subali’t wala namang napaulat na nasugatan sa driver at 7 pasahero nito.

Sinasabing napalingon ang driver ng motor sa mga nagkakabit ng CCTV doon sa plaza kung saan hindi nito naiwasan ang nasabing van.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *