Connect with us

Aklan News

COVID positive na empleyado ng Brgy. Poblacion, nadagdagan pa ng 2

Published

on

Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga empleyado ng Brgy. Poblacion, Kalibo na nagpositibo sa sakit na COVID-19.

Kinumpirma mismo ni Punong Barangay Niel Candelario, na dalawa pa sa kanilang empleyado ang nagpositibo sa sakit sa lumabas na laboratory results kahapon.

Kapwa mga taga C. Laserna St. ang mga ito na mga taga Purok 2 at Purok 6 at parehong high risk contact ng IT employee na unang nagpositibo sa sakit.

Siniguro ni PB Candelario na nakaquarantine na ang mga ito at nagsasagawa na sila ng contact tracing para matukoy ang mga nakasalamuha ng dalawa.

Matatandaan na pansamantalang isinara ang barangay hall para sa disinfection matapos na unang magpositibo sa sakit ang isa sa kanilang Brgy. Tanod.

Umpisa noong lunes, balik na ang operasyon ng barangay hall at bukas na ito sa mga residente na may transaksyon ngunit limitado lamang ang oras ng pagbubukas nito mula alas 9:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *