Connect with us

Aklan News

BABAE ARESTADO SA ILIGAL NA ‘PA ENDING’

Published

on

Kalibo – Arestado pasado alas 4:00 nitong hapon sa Andagao, Kalibo ang isang babae dahil umano sa ilegal na ‘pa ending’.

Sa joint operation ng Provincial Intelligence Unit at Kalibo PNP, naaresto ang suspek na si Elvisa Beltran, 46 anyos ng nasabing lugar.

Narekober mula sa suspek ang kabuuang P860.00 na marked at unmarked money, isang notebook na nagsisilbi umanong koteho o listahan ng kanyang ‘pataya’ sa kanyang pagpapa ‘ending’, isang ballpen at cellphone.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Kalibo PNP station habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling Laws na isasampa laban sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *