Connect with us

Aklan News

MOTORISTA, AKSIDENTENG SUMALPOK SA NAKASALUBONG NA TRAK

Published

on

Ibajay-Sugatan ang isang rider ng motor matapos sumalpok sa isang trak pasado alas 9:00 kaninang umaga sa Agbago, Ibajay.

Bagama’t hindi na pinangalanan ng Ibajay PNP, nabatid na isang collector ng lending company ang 26 anyos na rider ng motorsiklo.

Base sa imbestigasyon ng Ibajay PNP, papuntang Caticlan ang biktima nang mag-overtake umano ito sa sinusundang topdown tricycle at motorsiklo, subali’t bumangga naman sa nakasalubong na trak.

Resulta, sumemplang sa kalsada ang motorsiklo dahilan upang nmagtamo ito ng gasgas sa tuhod it iba pang parte ng katawan ang biktima na kaagad namang dinala sa Ibajay District Hospital.

Nakalabas din ito kaagad sa ospital at nakaareglo ang driver ng trak sa presinto ng Ibajay PNP.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *