Connect with us

Aklan News

3 Pinakahuling COVID-19 patients sa Aklan Provincial Hospital, nakalabas na

Published

on

Photo| Grab from Co V ID ThirdFloor video on FB

Gumaling na ang tatlong pinakahuling COVID-19 patients na naconfine sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital (DRSTMH).

Dahil dito, nakalabas na rin ang mga miyembro ng COVID Team na nangalaga sa mga pasyente habang nasa pagamutan at kasalukuyan ng naka-quarantine.

Ayon sa datos ng Aklan Provincial Health Office, 15 nalang ang natitirang active cases sa probinsya at lahat ng ito ay naka-facility quarantined nalang.

Kaugnay nito, walang bagong kaso ng nakamamatay na sakit ang naitala dahil negatibo ang resulta ng lumabas na 101 mga laboratory results kahapon.

Sa kabuuan, nasa 141 na ang naitalang kaso ng COVID sa Aklan, 119 na ang gumaling at 7 ang namatay.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=145535083962435&id=100055178332409

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *