Connect with us

Aklan News

SALPUKAN NG MOTOR AT MULTICAB, 1 PATAY

Published

on

Binawian ng buhay ang isang 40-anyos na rider ng motorsiklo sa aksidente kahapon sa Brgy. Bagto, Lezo.

Ang biktima ay kinilalang si Jimmy Ibabao ng Linabuan Norte, Kalibo.

Batay sa ulat, nakabanggan ng biktima ang kasalubong na multicab na minamaneho ni Jose Nobleza, 70-anyos ng Pook Talipapa, Kalibo.

Walang suot na helmet ang biktima kung kaya’t nagtamo ito ng matinding pinsala sa ulo.

Nabatid na nakainom rin ito. Kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide ang kakaharapin ni Nobleza kung hindi magkakaroon ng settlement sa pagitan ng dalawang panig.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *