Connect with us

Aklan News

58-anyos na ginang, Patay sa aksidente

Published

on

Idineklarang dead-on-arrival ang isang ginang matapos maaksidente sa motor sa may national highway ng Brgy. Caano, Kalibo.

Batay sa ulat, matinding pinsala sa ulo ang dahilan kung bakit agad na binawian ng buhay ang 58 anyos na biktimang si Andrea Tibobos, ng Brgy. Mabilo, Kalibo.

Binabaybay ng biktima at ng kanyang anak na si Fredan Tibobos, 32-anyos ang kahabaan ng Brgy. Caano papuntang Kalibo nang aksidenteng mabangga ng motor na minamaneho ni Federico Ricaforte, 65-anyos, ng Crossing Buswang, Kalibo.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima kung saan idineklara itong dead-on-arrival ng doktor.

Nagkasundo at nakapag-usap na rin ang dalawang partido kaugnay ng mga gastusin sa pagpapalibing sa biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *