Connect with us

Aklan News

DAHIL SA INIWANG KANDILA BAHAY, NASUNOG

Published

on

Natupok ang isang bahay mag-aalas 11:00 kagabi sa Brgy. Nalook, Kalibo.

Pagmamay-ari ito ni Associate Prosecutor Atty. Ronilo Inventado na suwerte namang wala doon nang mangyari ang insidente.

Base sa imbestigasyon, gumamit umano ng palikuran ang caretaker ng bahay na si Rodmar Quimpo, subalit iniwan nito ang sinindihang kandila sa sofa.

Nagulat na lamang umano ito sa kanyang paglabas nang makitang nasusunog na ang sofa at ilang gamit doon sa loob.

Maliban dito, mabilis ding nasunog ang iba pang bahagi ng bahay na gawa sa mixed materials.

Kagaad namang nakaresponde ang mga MDRRMO at Bureau of Fire rason na kaagad ding naapula ang apoy at hindi na kumalat.

Base pa sa inisyal na imbestigasyon, tinatayang nasa P20,000.00 ang mga napinsalang ari-arian ang iniwan ng nasabing insidente, habang mapalad na walang napaulat na nasugatan.

Napag-alamang walang kuryente ang nasunog na bahay kung kaya’t kandila ang ginamit ng caretaker, na siya namang itinuturong pinagmulan ng sunog.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *