Connect with us

Aklan News

2 LALAKI, NASAKSAK SA BIRTHDAY PARTY

Published

on

Banga – Dalawa ang sugatan matapos masaksak sa isang birthday party bandang alas 7:30 kagabi sa Venturanza, Banga.

Nakilala ang mga biktimang sina Marte Dalida, 41 anyos, at RJ Insauriga, 21 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.

Nakilala naman ang mga suspek na sina Niño Insauriga, 29 anyos, (kuya ni RJ Insauriga) ng Polocate, Banga, at Jofel Mainit, 33 anyos ng Agcawilan, Lezo.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, nagkaroon ng komosyon sa selebrasyon matapos umanong magtalo dahil narin sa kalasingan sina Niño Insauriga at ang birthday celebrant na si John Martin Dalida, na anak ng biktimang si Marte Dalida.

Kasunod nito, sinuntok umano ni Niño si John Martin sa ulo, na nagresulta naman sa nasabing komosyon at pananaksak mula sa labas hanggang sa terasa ng bahay.

Kaagad dinala sa ospital ang mga biktima, habang naaresto naman ang mga suspek na kapwa nasa kustodiya ngayon ng Banga PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *