Connect with us

Aklan News

1 pang empleyado ng Poblacion-Kalibo, Positibo sa COVID-19

Published

on

Nagpositibo sa COVID-19 ang isa pang empleyado ng Brgy. Poblacion, Kalibo.

Batay sa ulat, lumabas na alas-7:00 kagabi ang resulta ng mga swab test na kinuha mula sa 19 na empleyado ng brgy. hall na nagkaroon ng close contact sa isang miyembro ng BHERT na unang nagpositibo sa sakit.

Mula sa 19, isa ang nagpositibo at 18 naman ang nagnegatibo kasama na dito sina Punong Barangay Niel Candelario at Brgy. Kagawad Kim Melgarejo.

Ang nagpositibo ay isang 23 anyos na lalaki na pinsan din ng unang empleyadong COVID positive.

Kasalukuyan na itong naka-isolate sa Brgy. Hall ng Kalibo.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *