Connect with us

Aklan News

15-anyos na Binatilyo, patay sa Disgrasya

Published

on

Patay ang isang binatilyo matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na sasakyan sa Brgy. Mabilo, New Washington.

Kinilala ang 15 anyos na biktimang si Cyrus John Regalado ng Brgy. Tambak, New Washington.

Nangyari ang aksidente dakong alas-8:30 nitong Sabado habang binabaybay ng biktima ang kalsada pauwi sa Tambak sakay ng kanyang motor na sky go.

Batay sa ulat, sinubukan ng biktimang mag-overtake sa sinusundang sasakyan ngunit hindi nito namalayan ang kasalubong na Toyota Fortuner saka sumalpok.

Matinding pinsala sa ulo ang tinamo ng biktima matapos tumilapon sa gilid ng kalsada.

Agad na nagresponde ang Gray Team ng MDRRMO Kalibo at isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *