Connect with us

Aklan News

LALAKI SINAKSAK NG ICE PICK, SUSPEK NAKATAKAS

Published

on

Nabas – Sugatan sa kanang dibdib ang isang lalaki matapos saksakin ng ice pick alas 8:30 kagabi sa Union, Nabas.

Kinilala ng Nabas PNP ang biktimang si Romel Francisco, 30 anyos ng Pawa, Nabas, habang nakatakas umano ang suspek na si Michael Ramos, sa legal na edad, at stay-in worker sa isang stockyard sa naunang nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Nabas PNP, nag-iinuman doon sa nasabing stockyard ang biktima at 4 pa nitong kasama nang dumating ang suspek na nasa impluwensiya din ng alak at sinabihan ang biktima ng “Bahoe ing saea kakun…”(malaki ang kasalanan mo sa akin).

Nakita pa umano ng isang kainuman ng biktima ang suspek na may hawak na ice pick, rason na kanila itong sinita.

Itinago umano ito ng suspek, subalit lumapit ito sa biktima at bigla niya itong sinaksak.

Kaagad namang dinala sa Malay Hospital ang biktima, na inilipat naman kinalaunan sa provincial hospital, habang patuloy pang pinaghahanap ng mga pulis ang nasabing suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *