Connect with us

Aklan News

Pambato ng Aklan sa Miss Universe, humingi ng suporta sa mga Aklanon

Published

on

Excited at handa nang makipagsabayan ang pambato ng Aklan na si Christelle Abello sa 51 pang kandidato ng Miss Universe Philippines 2020 ngayong October 25, 2020.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo kay Christelle, sinabi niya na magkahalong emosyon ang nararamdaman nya ngayong papalapit na ang coronation night.

“A lot of mixed emotions, I’m very anxious, very excited, but all at the same time I’m ready to fight for the crown and I’m so proud to represent our beautiful province of Aklan.”

Kakaiba aniya ang setup ngayon ng Miss Universe dahil sa COVID-19, halos lahat ng mga aktibidad ay naka-online na pati ang kanilang meeting.

Ibinahagi rin ni Christelle ang kanyang Top 5 sa Miss Universe, kasama rito si Ms. Joecel Robenta na pambato ng karating probinsyang Antique, Ms. Caroline Joy Veronilla ng Misamis Oriental, Ms. Maria Ysabella Ysmael ng Paranaque, Ms. Maria Niña Soriano ng Pangasinan at syempre kasama rin siya bilang pambato ng Aklan.

Kinilig din siya sa mga pahayag ng ilang fans na kamukha niya ang sikat na artistang si Jasmin Curtis Smith.

Pagdating naman sa inspirasyon, itinanggi niyang may lalaking nagpapatibok ng kanyang puso dahil nais muna nitong pagtuunan ng pansin ang pageant, “Korona muna bago lovelife”.

Nagpasalamat din si Christelle sa lahat ng mga Aklanon na sumusuporta sa kanyang journey sa Miss Universe Philippines 2020 lalo na sa kanyang pamilya.

Dagdag pa ng beauty queen, marami pang ganap sa pageant na dapat abangan ng mga Aklanon at makikita umano nila ito sa pamamagitan ng pagfollow sa kanyang Instagram o pag subscribe sa Ring Light Series gamit ang kanyang code na RLAKLAN sa www.empire.ph.

Ang Miss Universe Philippines 2020 coronation night ay mapapanood sa GMA at Ring Light Series sa darating na October 25, 2020, 09:00 AM.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *